Itinuturing na seryosong hakbang ng Amerika ang naging pagbasura ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ang naging reaksyon ng Amerika kasunod ng pagtanggap nito ng notice of termination na ipinadala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa US embassy.
Ayon sa embahada, ang naging pagkilos ng Pilipinas ay seryosong hakbang na mayroong mabigat na implikasyon sa alyansa ng Pilipinas at Amerika.
Ngunit sa kabila nito, sinabi ng embahada na mayroong mainit na relasyon at malalim ang ugnayan simula noong kasaysayan ang dalawang bansa kaya mananatili pa rin ang kanilang commitment sa pagkakaibigang ito.
Una nang isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA dahil umano sa pakikialam ng Amerika sa soberenya ng Pilipinas matapos na kanselahin nito ang US visa ni Senador Ronald Bato Dela Rosa.