Isinasapinal na ng Department of National Defense (DND) ang termination sa pagbili ng Pilipinas ng helicopters mula sa Russia.
Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, nakikipagnegosasyon na ang bansa sa ilalim ng bagong liderato ng DND para sa pagbili ng mga mi-17 heavy-lift helicopters para sa air force na nagkakahalaga ng P12.7 billion.
Nabatid na sinelyuhan ang kontrata sa pagitan ng Pilipinas at Russia sa panahon ni dating Defense Sec. Delfin Lorenzana, na siyang magsusuplay ng mga nabanggit na helicopter.
Sinabi ni Andolong na mayroon nang naibayad ang pamahalaan na downpayment na P1.9 billion sa kumpanyang Sovtechnoexport at bumuo narin sila ng DND contract termination and review committee, na siyang tututok sa proseso ng pag-terminate sa nasabing kontrata.