Hindi na pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino nina Social Security System o Chairman Atty. Amado Valdez at SSS Commissioner Jose Gabriel “Pompee” La Viña.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na hanggang June 30, 2018 na lamang ang termino nina Valdez at La Viña.
Dagdag ni Roque tanging ang Pangulo lang ay may pinal na desisyon para sa kaniyang mga appointees.
Samantala, iginagalang naman ni La Viña ang naging pasya ng Pangulo kasabay ng pagpapasalamat nito sa tiwalang ibinigay sa kaniya para manungkulan sa SSS.
Wala namang inilabas pang pahayag ang kampo ni Valdez kaugnay sa naging desisyon ng Pangulo.
Posted by: Robert Eugenio