Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nangangasiwa sa mga programa at proyekto para sa rehabilitasyon at recovery ng mga lugar na naapektuhan ng super typhoon Yolanda.
Batay sa nilagdaang administrative order number 33 ni Pangulong Duterte, pinalawig ang termino ng IATF-Yolanda hanggang June 20, 2022, maliban na lamang kung maaga itong bubuwagin ng Pangulo.
Layunin nitong makumpleto ang proyektong pabahay para sa mga biktima ng pananalasa ng Yolanda gayundin ang maibigay ang mga pangunahing pangangailangan sa mga resettlement areas.
Sa ilalim ng Yolanda permanent housing program, umaabot na sa mahigit 120,000 mga housing units ang nakumpleto at mahigit 49,000 ang patuloy sa kontruksyon.