Pormal nang magtatapos ngayong araw ang termino ni Pangulong Beningo Aquino III.
Ayon kay Aquino, isang malaking karangalan ang magsilbi sa mga Pilipino lalo’t isang mas maayos, mas maunlad at mas mapayapang bansa ang kanyang iiwan.
Ipinagmamalaki ni Aquino ang kanyang mga nagawa tulad ng mas matatag na ekonomiya, mas mas maayos na social services at iba pa.
Naipasa rin sa panahon ni Aquino ang mga landmark legislations tulad ng mas mataas na alcohol at tobacco product at ang kontrobersiyal na Reproductive Health Bill.
Umaasa si Aquino na mula sa tagumpay ay magtuloy sa isa pang tagumpay at hindi na muling bumalik pa sa dating madilim na kabanata ang bansa.
Citizen Noy
Samantala, sabik na ang mga taga-Times Street sa Quezon City sa pagbabalik ni Pangulong Benigno Aquino III bilang Citizen Noy.
Sarado na sa mga motorista ang nasabing tahanan kung saan naroon ang bahay ng mga Aquino.
Dito didiretso ang tatawaging Citizen Noy sa sandaling lisanin na nito ang Palasyo ng Malacañang pagkatapos ng departure ceremonies na ibibigay sa kanya ng AFP.
Isang stage din ang inilatag para sa gagawing simpleng programa habang nagtali na rin ang mga residente ng dilaw na laso sa kahabaan ng kalsada.
By Jaymark Dagala | Rianne Briones