Ibinunyag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na posibleng mapalawig ang termino ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil.
Ayon sa Kalihim, may mga indikasyon na mapahaba ang termino ng PNP Chief hanggang Hunyo.
Gayunman, tanging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lamang aniya ang mag-aanunsyo hinggil dito.
Magreretiro sa Pebrero si Marbil at siya rin ang ikatlong pnp chief sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Samantala, tumanggi naman si PNP Chief marbil na magkomento hinggil sa posibleng extension ng kanyang termino.