Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos ni Vice President Leni Robredo ang kanyang termino hanggang 2022.
Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa groundbreaking ceremony ng Bicol International Airport sa Daraga, Albay kahapon.
Sa isang panayam sa Pangulo, itinanggi nito na may planong patalsikin si Ginang Robredo sa puwesto bilang Pangalawang Pangulo.
Bagama’t hindi tahasang tinukoy, ilang usapin ang hindi pinagkasunduan ng Pangulo at ng Pangalawang Pangulo partikular na ang usapin ng Marcos burial, extrajudicial killings at ang maling pagtrato sa mga babae.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
VP Robredo
Tiniyak naman ni Vice President Leni Robredo ang kanyang commitment upang ipagpatuloy ang pagkakaloob ng maayos na pabahay para sa mahihirap sa kabila ng kanyang pagbibitiw bilang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairperson.
Sa kanyang closing remarks sa Albert del Rosario Institute The Pilipinas Conference sa Makati City, inihayag ni Robredo na magpapatuloy ang kanyang adbokasiya na magkaloob ng pabahay para sa mga mahirap.
Posible anyang may rason kung bakit siya iniluklok ng taumbayan bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa at umaasa siyang babangon ang bawat isa sa bawat hamon.
Magugunita noong Lunes ay naghain ng resignation si Robredo bilang HUDCC Chairperson dahil umano sa “irreconcilable differences” nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23) | Drew Nacino