Nalito ang maraming mga senador sa napakahabang mga letra na tumutukoy sa sexual orientation ng mga mamamayan.
Ito ay ang LGBTQIA+ na nais mabigyan ng proteksyon ng Sexual Orientation And Gender Identity Expression Equiality Bill (SOGIE) ni Senador Risa Hontiveros.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, mas makakabuti kung ‘homo sapiens’ na lamang ang itawag dahil pare-pareho lamang tayong mga tao sa halip na pagtalunan pa ang napakahabang mga letra.
Kinuwestyon ni Sotto kung bakit kailangan pang ihiwalay ang mga gays sa mga lesbians at sa mga straight guys.
Kinilala naman ni Senador Hontiveros ang punto ni Sotto.
Hindi na sana aniya kailangang ihiwalay ang gays at lesbians kung hindi umiiral ang diskriminasyon sa ating bansa.