Inihayag ni Philippine Nationa Police – Criminal Investigation and Detection Group PNP-CIDG Dir. Pol. Brig. Gen. Ronald Lee, na kanilang ipagpapatuloy ang paggamit sa terminong “missing” kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Lee, mas akma itong gamitin sa halip na terminong “dead” sa paglalarawan ng tatlumput apat na sabungero na nawawala noon pang 2021 at hindi parin nakikita hanggang sa ngayon.
Iginiit ni Lee, na alam ng kanilang ahensya na pagdating sa usaping krimen, hindi na pinatatagal ng mga suspek ang buhay ng kanilang biktima.
Sinabi ng opisyal na iniiwasan lamang ng PNP na magbigay ng “false hope” kung buhay o patay na ang mga sabungero.
Sa ngayon, wala pang makitang “proof of life” o pruweba na buhay pa ang mga biktima kaya patuloy parin ang pag-iimbestiga ng mga otoridad sa naturang kaso.