Papalitan na ang tawag sa ‘vaccine passport’ ng terminong COVID-19 vaccine card matapos mapagkasunduan sa pagdinig ng Senado nitong Lunes ang pagpapalit sa termino dahil tumutukoy umano ito sa mobility at maaari umanong magdulot ng diskriminasyon ayon kay Senator Koko Pimentel.
Matatandaang layunin ng naturang vaccine card na bigyan ng patunay ang sinomang mababakunahan na katibayan na sila ay naturukan na laban sa COVID-19.
Ayon kay Senator Pia Cayetano, isa sa pitong nagpanukala ng ‘Vaccination Passport Program’ hindi layunin ng naturang termino na magdiskrimina bagkus ay ibalik ang tiwala ng tao sa pagbyahe ng ligtas at sa pagbabalik ng turismo.
Depensa naman ni Senadora Grace Poe, isa sa nagpanukala ng programa na libre ang naturang ‘vaccine passport’ at hindi nag-didiscriminate ang terminong ginamit dahil nangangahulagan aniya itong ‘you may present it’ at hindi ‘you have to present it’.
Samantala, sa katapusan ng pagdinig napagkasunduan namang gamiting na lamang ang mas ligtas na termino na ‘Vaccine card’.
Kasabay nito inalis na rin ang buong section kung saan nakasaad ang penalty na haharapin kaugnay sa paglabag sa paggamit ng vaccine card dahil nakasaad na ito sa Revised Penal Code (RPC) ayon kay Minority Leader Franklin Drilon.—sa panulat ni Agustina Nolasco