Kailangan pang plantsahin ng Pilipinas at Amerika ang terms of reference para sa apat na lugar sa bansa na bubuksan sa ilalim ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ayon kay Department of Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, sa naturang apat na lugar gagawin ng mga sundalo ng amerika ang mga aktibidad na may kinalaman sa pagsasanay.
Una rito, inanunsyo ng Malakanyang ang apat na bagong EDCA sites kung saan ang dalawa ay nagmula sa lalawigan ng Cagayan habang tig-isa naman sa Isabela at Palawan.
Maliban pa rito ang limang orihinal na gagamiting lugar sa ilalim ng EDCA, na matatagpuan sa Pampanga, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, Cebu at Palawan.