Naniniwala ang isang kongresista na nakiki-pagsabwatan na sa Abu Sayyaf ang mga drug lord sa bansa.
Ayon kay Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, posibleng ang naturang scenario lalo’t target ng administrasyon na durugin ang droga at terorismo na sumisira sa buhay ng maraming pilipino.
Ang mga pagdukot anya ng mga bandido ay maaaring sandata ng mga drug syndicate dahil ang ibinabayad na ransom ay maaaring gamiting puhunan para makalikha ng droga.
Inihalintulad pa ng mambabatas ang mga ASG sa Fuerzas Armadas Revlucionarias De Colombia na nakipag-alyansa sa mga drug lord upang mapalawak ang kanilang koneksyon at pinansyal na kapabilidad.
By: Drew Nacino