Nagkausap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo at nagkasundo silang paigtingin ang kooperasyon ng dalawang bansa para maharap ang banta ng terorismo at extremism.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, terorismo ang naging paksa ng pag-uusap ng dalawang lider sa harap na rin ng mga pangyayari sa Marawi city kung saan, kabilang ang ilang Indonesian Nationals na kaanib ng mga terorista ang napatay ng militar.
Nagkaisa rin sina Pangulong Duterte at Widodo na magkaroon ng isang tri-lateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia upang mabantayan ng husto ang pinagsasaluhan nilang karatagan na siyang ginagawang transit route ng mga bandido at terorista.
Ikinagalak din ng Palasyo ang pangako ng Indonesia na tututlong sa Pilipinas upang tuluyan nang masupil ang mga terorista sa pamamagitan ng pagharang sa natatanggap nitong pondo gayundin ang pigilan ang pagkalat ng mga propaganda nito.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping