Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na mula sa iligal na droga ang pondo ng mga terorista sa Marawi City.
Ayon sa Pangulo, tila napabayaan na ang pagkalat ng droga sa bansa kaya’t nagkaroon ng pondo ang mga bandido at nailunsad ang kanilang malawakang pag-atake roon.
Tinukoy pa ng Pangulo ang naarestong opisyal ng pambansang pulisya na si Supt. Maria Cristina Nobleza na siya aniyang nagkamal ng malaking halaga ng salapi mula sa drug money.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Muli pang ipinunto ng Pangulo ang kanyang naunang babala na magiging pugad ng shabu ang Marawi City ngunit wala naman aniyang pumansin dito.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte