Magpapatuloy ang terorismo partikular ang Jihad o holy war ng mga radikal na Muslim sa Timog-Silangan Asya sa kabila ng pagkakapatay sa mga leader ng ISIS-Maute at paglaya ng Marawi city sa kamay ng mga terorista.
Ayon kay Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research Chairman Rommel Banlaoi, hindi natatapos ang digmaan sa paglaya ng isang bayan.
Hangga’t nananatili anyang buhay ang ideolohiyang radikal ng mga Muslim na nalilihis ng landas sa turo ng Q’uran ay marami pa ring ma-e-engganyong umanib sa mga teroristang grupo sa Pilipinas man o sa ibang bansa.
Bagaman napatay na si Isnilon Hapilon ang tinaguriang Emir ng Islamic State-East Asia Division, ikinukunsidera namang humalili sa kanyang kanang kamay na si Furuji Indama mula sa Abu Sayyaf.
Inaasahang sa mga susunod na araw ay papalit na si Indama bilang panibagong Emir ng ISIS sa Timog-Silangang Asya.
—-