Tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA na patuloy na magiging matatag ang Pilipinas at tututukan nito ang anumang banta ng terorismo sa bansa.
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa Saudi Arabia kahapon.
Ayon kay Yasay, walang puwang ang takot at karahasan sa bansa maging saan mang panig ng mundo.
Kumpiyansa naman ang kalihim na prayoridad ng militar at ng mga awtoridad ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga Pilipino kaunod ng kaliwa’t kanang pag-atake ng mga terorista sa ibayong dagat.
West PH Sea
Posibleng magtalaga ang gobyerno ng special envoy para pangunahan ang back channel talks sa China para maresolba ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ay sa gitna ng inaasahang paglabas ng desisyon ng UN International Arbitration Tribunal sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China.
Ayon kay DFA Secretary Perfecto Yasay, hihintayin muna ang magiging desisyon ng arbitration court bago tuluyang kumilos.
Matatandaang noong 2012 ay ipinadala ni Pangulong Benigno Aquino si Senator Antonio Trillanes para makipag-back channel talks sa China.
Ito ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang naging dahilan para mawalan ng kontrol ang Pilipinas sa Scarborough Shoal.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco (Patrol 25) | Rianne Briones