Nagpakitang gilas ang Philippine Basketball Association (PBA) guest team na Bay Area Dragons nang itakda nito ang pinakamalaking winning margin bago tambakan ang Terrafirma sa score na 130-76 noong Biyernes sa PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Nanguna naman ang Dragon import na si Andrew Nicholson na nagtala ng 37 points at 10 rebounds.
Ang naturang 54 points naman na tambak ay pinakamalaking puntos na naitala sa nagdaang 36 na taon ng PBA. —sa panulat ni Hannah Oledan