Magbabalik na sa GlobalPort si high-scoring guard Terrence Romeo matapos umanong magkasakit.
Sasalang si Romeo sa Batang pier laban sa Star Hotshots mamayang gabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Mindanao Civic Center Gym sa Tubod, Lanao del Norte.
Matatandaang hindi nakalaro si Romeo sa unang laban ng Globalport sa kasalukuyang torneo kontra sa alaska dahil sa karamdaman na hindi isinapubliko ng koponan.
Inaabangan naman ng fans ang posibleng pagtutuos nina Romeo at Star playmaker Paul Lee.
By Jelbert Perdez