Nakabawi ang Philippine National Men’s Basketball Team matapos ang dalawang sunod-sunod na pagkatalo.
Ito’y makaraang padapain ng Gilas Pilipinas ang China sa score na 72-69 sa Imperial City Basketball Tournament sa Land Rover Arena sa Bologna, Italy.
Ito ang unang panalo ng Gilas matapos malugmok sa kamay ng Turkey at Italy sa kanilang European training tour.
Si Terrence Romeo ang nanguna sa Gilas taglay ang 18 points kabilang ang 11 points sa fourth quarter habang kumamada naman si Andray Blatche ng 14 points.
Itinuturing na rematch ang naturang laro ng Gilas at China matapos itong mabigo sa kamay ng mga Tsino sa nakaraang FIBA Asia.
Wala naman ang mga mababangis na atleta ng China na sina NBA draft Pick Zhou Qi at dating NBA player Yi Jianlian.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: fiba.com