Hindi i-uurong ng Pilipinas ang territorial claims nito sa West Philippine Sea na nakasampa sa Arbitration Court.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, ang arbitration ay ang pinakamapayapa at pangmatagalang solusyon sa gusot sa naturang teritoryo.
Inaangkin ng Beijing ang halos buong rehiyon kung saan kabilang sa mga sinasagasaan ng claims nito ang Vietnam, Pilipinas, Taiwan, Malaysia at Brunei.
Magugunitang nagdesisyon na ang Arbitration Court noong isang buwan na may kapangyarihan itong dinggin ang reklamo laban sa China.
By Jelbert Perdez