Nakatakdang dinggin sa Nobyembre 24 ng International Arbitral Tribunal sa The Hague, Netherlands ang kasong isiinampa ng Pilipinas laban sa China.
Kaugnay ito sa iringan ng dalawang bansa hinggil sa agawan sa teritoryo sa West Philippine o South China Sea,
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, magtatagal ang deliberasyon sa usapin hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Bagama’t hindi kinikilala ng China ang ginagawang arbitration ng United Nations, itutuloy pa rin ng Tribunal ang kanilang pagdinig sa kaso at asahang magkakaroon ng pinal na desisyon sa susunod na taon.
By Jaymark Dagala