Isang malaking hamon para sa susunod na Pangulo ng bansa ang issue ng territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ito, ayon kay Senate President Franklin Drilon, ay dahil sa kalagitnaan pa ng taong 2016 inaasahang maglalabas ng desisyon ang International Tribunal sa reklamo ng Pilipinas kontra China.
Ang susunod aniyang Pangulo na ang magsusulong sa pag-claim ng Pilipinas sa Spratly Islands na inaangkin at pinagtatayuan na ng mga istruktura ng Tsina.
Una ng inihayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na sa kalagitnaan pa ng Mayo ng susunod na taon posibleng maglabas ng desisyon ang Arbitral Court.
Sa oras aniyang hindi pumabor sa China ang desisyon ay tiyak na hindi nila ito kilalanin subalit posible namang maging kakampi ng piLipinas ang mga bansa sa Asya, Europa at Amerika upang obligahin ang Tsina na sundin ang pasya ng International Tribunal.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)