Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pangangalagaan niya ang soberenya ng Pilipinas at pananatilihin ang territorial integrity ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa Philippine Military Academy Alumni Homecoming sa Baguio City, tinalakay ng Presidente ang sinasabing geopolitical tension na aniya’y salungat sa hinahangad nating kapayapaan.
Binigyang diin ni PBBM na mahalagang mapanatili ang pambansang seguridad habang pinatitibay ang bilateral relations sa mga kaalyadong bansa.
Samantala, muli ring tiniyak ni Pangulong Marcos na hindi niya hahayaang mawala ang anumang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.