Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na nasa ilalim ngayon ng terror alert number 3 ang buong bansa dahil sa mga karahasan ng mga terorista.
Ayon kay Dela Rosa, nagsimulang itaas ang alerto matapos na ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang state of lawlessness dahil sa nangyaring pagsabog sa Davao City night market.
Pero paglilinaw ni Dela Rosa, walang dapat ikabahala ang publiko sa seguridad lalo na ngayong Kapaskuhan.
“I’m addressing the public to be vigilant, to be cautious, to be alert but don’t panic, relax, enjoy Christmas.” pahayag ni Dela Rosa.
Humingi rin ng tawad si Dela Rosa dahil nalusutan sila ng mga terorista kahit naka-full alert ngayon ang buong pulisya.
Inatasan na rin ni Dela Rosa ang mga regional director na paigtingin pa ang mobile checkpoints sa buong bansa.
By Jonathan Andal (Patrol 31)