Kinondena ng Pilipinas ang pag-atake ng mga terorista sa Barcelona Spain kung saan 13 katao ang nasawi at mahigit 100 iba pa ang sugatan.
Sa pamamagitan ng Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakiisa ang Pilipinas sa international community sa pakikiramay sa mga naging biktima ng terror attack sa Espanya.
Sinabi ni Abella na walang puwang sa sibilisadong lipunan ang ganitong uri ng karahasan.
Samantala, tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs o DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa international community sa Barcelona upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.
Matatandaan na isang pamilyang Irish-Filipino ang kabilang sa mga nasugatan sa terror attack sa Barcelona Spain.
By Len Aguirre