Kinondena ng Pilipinas ang naganap na terror attack sa Egypt.
Kasunod ito ang ipinaabot na pakikiramay ng mga Pilipino sa nasabing pag-atake sa loob mismo ng isang mosque.
Tinawag na kaduwagan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang naturang pag-atake laban sa Muslim sa Egypt.
Kasabay nito, kaagad na nakipag-ugnayan ang DFA sa Philippine Embassy sa Cairo at nakumpirmang walang Pilipinong kabilang sa mahigit 200 kataong nasawi sa pag-atake.
Umaapela ang embahada sa mahigit 5,000 Pinoy nurse sa lugat na iwasang magtungo sa Northern Sinai dahil sa mataas na banta ng terorismo.
—-