Nagsanib-puwersa na umano ang lahat ng terror group sa Mindanao upang itatag ang Islamic State sa Pilipinas.
Ito’y makaraang kilalanin na ng International Terrorist group na ISIS si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon bilang Emir ng itatatag na caliphate sa bansa.
Sinasabing kasama ni Hapilon ang mga miyembro ng Maute Group, Anzar Khalifa Philippines at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters upang maghanap ng lugar kung saan itatatag ang ISIS.
Dahil dito, muling naglunsad ang militar ng opensiba sa Butig, Lanao del Sur laban sa ASG, Maute, AKP at BIFF.
Sa pagkakataong ito, ginamit na ang dalawang bagong FA-50 fighter jets na nagbagsak ng mga bomba na sinundan ng ilan pang aerial attack ng mga air assets ng AFP.
Batay sa monitoring ng local government ng Butig, halos 100 armadong lalaki na ang pumasok sa Central Mindanao mula sa mga island province.
By Drew Nacino | Report from: Jonathan Andal (Patrol 31)