Ibinaba na ang national security threat level sa UK o United Kingdom.
Ito ay kasunod ng pagkakaaresto ng ikalawang suspek sa pambobomba sa London underground train.
Ayon kay Interior Minister Amber Rudd, napagpasyahan ng Joint Terrorism Analysis Centre na ibaba na sa severe mula critical ang threat level sa UK matapos ang pag-usad sa imbestigasyon at magandang resulta ng isinasagawang operasyon ng mga awtoridad sa insidente.
Matatandaang, itinaas ang critical threat level sa UK matapos ang pag-atake sa underground train sa london na ikinasugat ng 30 katao noong Biyernes.
—-