Pinawi ng Department of Tourism (DOT) ang pangamba ng publiko hinggil sa bantang terorismo kasabay ng pagdaraos ng Miss Universe pageant sa bansa sa susunod na taon.
Ito’y makaraang lumutang ang isang video mula sa isang pro-ISIS social media channel ang paggawa umano ng bomba para sa Miss U.
Sa inilabas na pahayag ng Tourism Departrment, handa ang Pilipinas na magbigay seguridad sa mga kandidata ng nasabing patimpalak tulad ng mahigpit na seguridad na ibinigay kay Pope Francis at sa mga delegado ng APEC Summit noong isang taon.
Gayunman, aminado ang DOT na seryosong bagay ang nasabing banta kaya’t hindi pa rin sila magpapaka-kampante at gagawa ng kaukulang hakbang upang mapigilan ito.
By Jaymark Dagala