Nagbabala ang gobyerno ng Australia sa posibleng terrorist attack sa Turkey ngayong buwan.
Ayon kay Australian Veterans Affairs Minister Dan Tehan, nakatanggap siya ng impormasyon na sasabayan ng pag-atake ng mga terorista ang paggunita ng Anzac Day sa Gallipoli Turkey.
Tiniyak din ng ministro na nakipag-ugnayan na ang Australian government sa Turkish authorities kaugnay na natanggap na impormasyon upang higpitan ang seguridad sa nasabing lugar.
Kasunod nito, pinalalahanan rin ni Tehan ang mga Australian national at mga taga-New Zealand na taunang dumadayo sa paggunita ng Anzac Day na maging maingat.
By Krista de Dios