Inako ng Al-Shabaab ang responsibilidad sa panibagong pag-atake sa dalawang bahay sa northeastern ng Kenya.
Ayon kay Mandera County Commissioner Alex Nkoyo, 14 katao ang patay habang 11 ang sugatan sa nasabing pag-atake.
Mga quarry workers ang karamihan sa mga biktima.
Sa ulat ng CNN, ala-1:00 ng umaga nang magsimula ang pag-atake.
Sinalakay ng grupo ng mga armadong kalalakihan ang compound gamit ang iba’t ibang uri ng armas.
By Mariboy Ysibido