Pinatawan ng Sandiganbayan ng mahigit 100 taong pagkakakulong ang isang mataas na opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.
Ito’y matapos mapatunayan ng korte na guilty si TESDA Cavite Director Felicidad Zurbano sa 13 bilang ng kasong graft.
Ayon sa Ombudsman, bukod sa pagkakabilanggo ay hindi na rin maaaring humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan si Zurbano.
Batay sa rekord, nakialam umano si Zurbano sa pag-award ng kontrata sa CDZ Enterprises na pag-aari ng kanyang kapatid na babae noong 2003.
Sinasabing pinalabas din ni Zurbano na ang naturang kumpanya ang nakapagsumite ng mas mababang presyo ng mga materyales kaya’t nanalo ito sa bidding.
By Jelbert Perdez