Sisimulan na bukas, Enero 29, ang livelihood training program ng TESDA o Technical Education and Skills Development Authority Region 5 para sa mga residente na apektado ng patuloy na pag- alburuto ng Bulkang Mayon.
Layon ng programa na matulungan ang mga residente na maging abala at kumita habang namamalagi sa evacuation centers.
Ayon kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, tuturuan ang dalawampu’t limang (25) bakwit kung paano gumawa ng face mask na maaaring ipamahagi sa mga kasamahang bakwit, pulis at sundalo sa lugar.
Maliban sa paggawa ng face mask, magkakaroon din ng training program sa pagmamasahe, manicure, pedicure, at paggawa ng tinapay.
Isasagawa ang mga nasabing training programs sa San Francisco Elementary School at Malilipot Elementary School sa Albay.