Nakatakdang maglunsad ng skills training program ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa mga residente ng Itogon, Benguet na naapektuhan ng landslide.
Mahigit 100 evacuee na umano ang nagparehistro para sa proyektong ito ng TESDA na inaasahang magsisimula sa darating na October 24.
Kabilang sa mga matututunan sa naturang training program ay ang carpentry, welding, driving, cookery, beauty care, baking, manicure and pedicure, massage therapy, machining, caregiving, backhoe operating, electronics, at culinary services.
Katuwang naman ng TESDA sa proyektong ito, ang Local Government Unit o LGU ng Itogon.