Hinikayat ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang mga Technical-Vocational institution na makibahagi sa pagpapatupad ng K to 12 program ng Department of Education.
Ito, ayon kay TESDA Executive Director Imelda Taganas, ay sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga Technical-Vocational courses sa mga Senior High School.
Tumulong na anya ang TESDA sa DepEd sa pag-develop ng curricula, learning materials at teacher’s guides para sa technical-vocational-livelihood ng Senior high school.
Base sa DepEd data, mahigit Labing-Isang libong pampublikong at pribadong paaralan ang magkakaroon ng Senior High School ngayong school year at mula sa naturang bilang ay halos tatlundaan ang Tech-vocational institutions.
Tinatayang isa punto Limang Milyong estudyante ang inaasahang papasok sa Grade 11 ngayong 2016.
By: Drew Nacino