Namahagi ng baked goodies ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa mga apektado ng lindol sa Abra.
Ayon kay TESDA Abra chief Allan Millan, ginawa nila ito bilang ambag nila sa relief efforts ng gobyerno.
Aniya, bahagi rin ito ng kanilang ‘TESDAmayan program’ na layong tulungan ang mga komunidad ngayong panahon ng krisis.
Nabatid na ang mga ibinigay na goodies ng TESDA ay niluto ng mga trainers at trainees ng Bread and Pastry Production ng nasabing ahensya.