Nakiisa ang TESDA o Technical Education and Skills Development Authority sa 2017 National Teachers’ Day na idinaos sa Legaspi City, Albay bilang pagbibigay ng importansya sa mga guro sa bansa.
Ayon kay TESDA Director General Gene Mamondiong, malaki ang naiaambag ng mga guro sa bansa dahil sila ang nagbibigay ng karunungan na nagagamit ng bawat isa sa kanilang pagsulong sa panibagong antas ng buhay.
Nabatid na naging makabuluhan sa mga kalahok ang pagdiriwang dahil na rin sa inihandang programa na kumikilala sa mga guro bilang tagapagbigay ng gabay sa mga kabataan upang maging makabuluhan ang kanilang kinabukasan.
Maliban sa TESDA, nakibahagi rin sa selebrasyon ang mga guro na nagmula sa iba’t ibang lugar, national at local government officials, top officials ng DepEd o Department of Education at iba pang samahan.