Kumpyansa ang dalawang mataas na opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na kanilang mapapaliwanag sa kamara ang kinukwestyong mababang employement rate ng kanilang graduates.
Ayon kay Anicerto Bertiz III, deputy director general for partnerships and linkages, higit 200 na mga training programs ang inaalok ng ahensya.
Pero pag-aamin ni Bertiz, hindi naman lahat ng kanilang mga graduates ang nakahahanap ng trabaho dahil may ilan sa mga ito ang nagsisimula ng sarili nilang pagkakakitaan o negosyo.
Pagmamalaki ni Bertiz, tinatayang 95% ng mga graduates na may certification mula sa ahensya, ang ngayo’y mga skilled Filipinos na nagtatrabaho sa iba’t-ibang mga bansa.
Sa isyu naman ng paggamit ng pondo ng TESDA, iginiit ni Lina Sarmiento, deputy director general for operations, na kulang pa ang naisumite nilang datos sa Commission on Audit (COA).
Kung kaya’t pupwede pa nilang gamitin ang naturang budget.
Mababatid na 17 miyembro ng kamara ang pumabor na paimbestigahan ang TESDA hinggil sa employment rate at isyu ng paggamit ng kanilang pondo.