Itinanggi ni TESDA Sec. Joel Villanueva na sangkot siya sa pork barrel fund scam.
Ito’y makaraang mapabilang si Villanueva sa 3rd batch ng mga kakasuhan kaugnay sa kontrobersya.
Nanindigan ang dating kongresista na wala siyang ibinulsang pondo at saksi ang Diyos sa kanyang malinis na konsensya.
Si Villanueva ay kabilang sa mga posibleng isabak ng administrasyon sa senatorial race sa 2016 Elections.
By Drew Nacino