Tiwala naman ang ilang mambabatas na sa basurahan lamang mapupunta ang reklamong inihain ni Senadora Leila de Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kapwa inihayag nila House Deputy Speakers Pia Cayetano at Gwen Garcia na malabong baliin ng Korte Suprema ang matagal nang polisiya na nagbibigay garantiya sa immunity from suit ng Pangulo ng bansa.
Sa panig ni Cayetano, sinabi nito na wala siyang nakikita at wala siyang alam na dahilan upang baguhin ng High Tribunal ang matagal nang umiiral na polisiya.
Naniniwala naman si Garcia na hindi dapat ginagamit ni De Lima ang usapin ng gender sensitivity para makapaghain ng reklamo laban sa Pangulo na maaari lamang makasuhan sa pamamagitan ng impeachment court.
By Jaymark Dagala