Inaasahang madadagdagan pa ang test kits para sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, dahil sa pagdating ng mga karagdagang screening kit, maaaring mabago pa ang mga panuntunan sa pagsasagawa ng test para sa sakit.
Ani Nograles, sa kasalukuyan ay nasa 1,000 COVID-19 testing kits ang nakalaan na para sa mga pasyente na under monitoring na nagpapakita na ng sintomas ng sakit.
Ipauubaya na umano nila sa DOH kung anong maaaring pinakamagandang procedure na gawin para sa mga darating pang testing kits.
Ang naturang mga parating na testing kits umano ay pawang donasyon at binili ng pamahalaan.