Sisimulan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Setyembre ang test period para sa national I.D..
Ayon kay DICT Undersecretary Eliseo Rio, bahagi ito ng ilalatag na test period ng Philippine Statistics Authority (PSA) bilang lead agency sa pagpapatupad ng o Philippine Identification System (PhilSys).
Aniya, sinimulan na ng PSA ang pagbili ng mga registration kit na ipakakalat sa mga regional at provincial offices ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Sinabi ni Rio, target na unang mabigyan ng national I.D. ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).
Nagpo-procure ngayon ang PSA ng mga makina na tinatawag ‘yung registration kit, tapos ito ay ilalagay sa mga regional offices ng PSA at sa mga postal office na kung saan ang mga tao ay pwedeng pumunta para mag-register. Itong mga registration kit ay pwedeng kunan ng biometrics, no, ‘yung full facial picture, sampung daliri na finger prints, at of course ‘yung iris sca, ‘yung tatlong ‘yon,” ani Rio.
Balitang Todong Lakas Interview