Magkakasa ng test run ang Department of Transportation (DOTr) sa Metro Manila Subway sa Valenzuela Depot.
Sisimulan ang lowering at test run ng Tunnel Boring Machine (TBM) ng Metro Manila Subway Project (MMSP) sa mayo na tinaguriang “project of the century.”
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ito ang kauna-unahang underground mass transit system sa Pilipinas na isang modern railway system na maihahalin tulad sa iba pang panig ng mundo.
Ang naturang subway ay isang 33-kilometrong rail line na bibiyahe mula sa Valenzuela City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 sa Pasay City.
Sa tulong nito, mas mapapabilis ang travel time o oras ng biyahe mula Quezon City hanggang naia ng hanggang 35 min. mula sa kasalukuyang 1 hr 10 min. na kayang mag-accommodate ng hanggang 370K pasahero kada araw sa unang taon ng operasyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero