Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na dapat umanong maipakita ang mga testigo at ebidensiya hinggil sa vote buying.
Ayon Commissioner Imee Ferolino, malabong maaksyunan ng Task Force Kontra Bigay ng COMELEC ang mahigit 1,000 vote buying incidents na kanilang natanggap dahil wala itong sapat na katibayan.
Sa pahayag ng Law Department ng COMELEC, sa 80 reklamo, 73 dito ang may kaugnayan sa vote buying kung saan, 49 dito, ang iniimbestigahan na ng task force dahil sa mga kalakip na ebidensya.
Sinabi ni Ferolino na karamihan umano sa mga sumbong ay nagpadala lamang ng mga video kaugnay sa pagbili at pagbebenta ng boto pero wala umanong kalakip na impormasyon kung saang lugar at kung sinong kandidato ang nasa likod ng naturang aktibidad.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang komisyon sa National Telecommunications Commission (NTC) para malaman ang impormasyon hinggil sa naturang impormasyon.