Isinusulong sa senado ang mas mabigat na parusa para sa mga testigong magbibigay ng peke o gawa-gawang tesimonya sa isang kaso.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, malimit na magamit ang mga pekeng testimonya upang makapanira at makapagpakulong ng inosente.
Sa ilalim ng Senate Bill 253 ni lacson, ang sinumang magbibigay ng maling testimonya ay parurusahan ng kahalintulad na parusa sa krimeng ibinibintang sa isang akusado.
Maximum penalty naman ang parusa para sa sinumang governor employee o public officer na magbibigay ng pekeng testimonya at multa na hanggang 1 milyong piso.
Sinabi ni Lacson na sa ilalim ng revised penal code, mayroon ring parusa para sa nagbibigay ng pekeng testimonya subalit masyado anyang magaan ito.
By Len Aguirre