Iginiit ni Senadora Leila de Lima na hindi dapat basta ipagwalang bahala ang mga naging pahayag o testimoniya ng testigong si Edgar Matobato
Sinabi ng Senadora, hindi naman tama na ibasura na lamang ng gagawing report ng senate committee on justice and human rights ang mga testimoniya ni Matobato dahil lamang si Pangulong Rodirgo Duterte ang siyang idinadawit sa mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa
Nanawagan pa si De Lima sa kaniyang mga kapwa Senador na huwag magpalabas ng agarang konklusyon sa usapin gayung marami pa sanang katotohanang maipalalabas kung ipinagpatuloy lamang ang pagdinig ng komite
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno