Mas kapani-paniwala o “credible” ang unang batch ng mga testigong iniharap sa pagdinig ng Kamara hinggil sa pagkalat ng droga sa New Bilibid Prison (NBP) kumpara kay Edgar Matobato na tumestigo naman sa Senado.
Ayon kay House Committee on Justice Chairman Congressman Reynaldo Umali, matibay at may bigat ang testimonya ng mga testigo lalo ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).
Bahagi ng pahayag ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali
Magkakatugma anya ang testimonya ng mga ito hinggil sa iligal na mga aktibidad sa Bilibid na iniuugnay kay Senador Leila de Lima na noo’y kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Maituturing ding eksplosibo ang mga pahayag ng convicted robber na si Herbert Colanggo laban kay de Lima.
Bahagi ng pahayag ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali
DOJ Chief questioning the witnesses
Idinepensa ng House Commitee on Justice ang pagpayag nilang si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang magtanong sa mga iprinisinta nitong mga testigo sa di umano’y laganap na illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) at pagkakasangkot dito ni Senador Leila de Lima.
Ayon kay Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali, chairman ng komite, hindi pagtatanong ang ginawa ni Aguirre dahil maituturing itong bahagi ng pagkukuwento ng mga testigong, inmates sa NBP.
Ang naging papel anya ng mga mambabatas sa imbestigasyon ay makinig upang makabanglangkas ng batas na magbabago sa sitwasyon ng Bilibid.
Bahagi ng pahayag ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali
Kaugnay nito, nanganganib makasuhan ng pagpapabaya sa tungkulin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sakaling mabigo itong kasuhan si Senador Leila de Lima.
Ayon kay Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali, kumbinsido sila sa kredibilidad ng mga tumestigong inmates hinggil sa pagkakasangkot ni De Lima sa illegal drug trade sa loob ng Bilibid.
Una rito, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na may nakikita na siyang sapat na ebidensya upang sampahan ng kaso si De Lima.
Bahagi ng pahayag ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali
Jaybee Sebastian
Samantala, ipatatawag sa imbestigasyon ng House Committee on Justice and Human Rights ang drug convict na si Jaybee Sebastian.
Ayon kay Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali, chairman ng komite, inihahanda na nila ang subpoena para kay Sebastian.
Matatandaan na ibinunyag ng mga inmates na tumestigo sa Kamara ang malapit na relasyon di umano ni Sebastian kay Senador Leila de Lima.
Naging dahilan rin di umano ito para ilipat ni De Lima sa custody ng NBI ang 19 na high profile inmates upang masolo ni Sebastian ang drug trade sa Bilibid.
Bahagi ng pahayag ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali
By Drew Nacino | Len Aguirre | Balitang Todong Lakas