Tumibay lalo ang paniniwala ni Senate Committee on Justice and Human Rights chairman Sen. Richard Gordon na hindi mapagkakatiwalaan ang mga testimonya ni Edgar Matobato sa senado.
Ito ang sinabi ni Gordon sa DWIZ matapos niyang personal na magisa sa public hearing si Matobato ukol sa isyu ng extra judicial killings.
Ayon kay Gordon, paiba-iba ng testimonya ang self confessed criminal kaya hindi nito makumbinsi ang marami sa umano’y pag-iral ng Davao Death Squad na ang itinuturong pinuno ay si Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala target ng senador na tapusin na agad ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon. Aniya dalawa hanggang tatlong pagdinig na lamang ang nalalabi bago sila magsumite ng committee report.
By: Mariboy Ysibido