Hindi pa nakukumpleto ang testing and sealing ng ilang vote counting machine o VCMs.
Inamin ito ng ilang opisyal ng Consulate General ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa dahil hindi pa naisasailalim sa reconfiguation ang mga naturang makina.
Nabatid na maging ang ilang technicians ay hindi pa nabibigyan ng kumpletong training.
Dubai and Rome
Isinailalim sa testing and sealing sa konsulado ng Pilipinas sa Dubai ang vote counting machines na gagamitin sa OAV o overseas absentee voting.
Ang Dubai ay mayroong pinakamalaking bilang ng mga rehistradong boante sa Middle East.
Sumalang din sa testing and sealing ang mga makinang gagamitin ng mga absentee voters sa Rome.
Ang nasabing hakbang ay sinaksihan ng mga kinatawan ng religious groups, local at international media at maging ng mga kinatawan ng political parties.
By Judith Larino