Napatunayan na ng World Health Organization na mas ligtas gamitin ang vaccine na Dengvaxia sa mga “mayroon lamang Dengue.”
Ito, ayon kay Alejandro Cravioto, Chairman ng W.H.O- Strategic Advisory Group of Experts on Immunization, ay batay sa kanilang panibagong findings.
Isa anya itong patunay na hindi basta dapat itinurok ang Dengvaxia na ginawa ng French Pharmaceutical Company na Sanofi Pasteur lalo sa mga hindi pa nagkakaroon ng Dengue.
Bukod sa Pilipinas, ginamit din ang naturang bakuna sa Parana, Brazil.